Posibleng paglabag ng pamunuan ng MV Tutor sa safety requirements, iniimbestigahan ng DMW

Iniimbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW) kung may nalabag ang shipping company at manning agency ng Pinoy crew ng MV Tutor.

Partikular ang posibleng paglabag sa safety requirements para sa mga barkong bumabagtas ng “war like zones” tulad ng Red Sea.

Ito ay matapos na dalawang barko na may sakay na Pinoy crew ang tinamaan ng missile attack ng Houthi rebels.


Sa ngayon, 3 Filipino seafarers na ang namatay sa Houthi missile attacks.

Dalawa sa mga ito ang tripulante ng 2 MV True Confidence.

Facebook Comments