Posibleng paglalagay sa Alert Level 4 ng Bulkang Taal, pinaghahandaan na ng pamahalaan

Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang iba pang maaaring maging senaryo kasunod ng pag-aalburuto ng Bulakng Taal.

Ayon kay Office of Civil Defense Operations Service Director Bernardo Alejandro, naghahanda na sila sakaling itaas sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal matapos itong magkaroon ng phreatomagmatic eruption.

Aniya, may sapat ding pondo ang pamahalaaan para sa mga apektadong residente sa dalawang bayan sa Batangas partikular ang Laurel at Agoncillo.


Kasabay nito, tiniyak ni Alejandro na mayroon silang ipinatutupad na mga health protocols sa mga evacuation site para hindi magkahawaan ng COVID-19.

Sisiguraduhin din aniya nilang may sapat na supply ng tubig sa mga evacuation centers para sa hygiene ng mga residente.

Facebook Comments