Posibleng magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo kung muling ie-extend ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon pagkatapos ng April 30.
Sa isang panayam, sinabi ni Senador Bong Go na nakatakdang makipag-usap ang Pangulo sa mga health experts bukas kung palalawigin o magpapatupad na lang ng modified community quarantine sa gitna ng banta ng COVID-19.
Inimbita rin aniya ni Pangulong Duterte ang mga dating kalihim ng Department of Health (DOH) sa iba’t-ibang administrasyon para magbigay ng payo na makakatulong sa pagbabalanse ng desisyon.
Ayon kay Go, nais lang tiyakin ng pamahalaan na walang mamamatay dahil sa COVID-19, may makakakain ang mga tao, hindi manganganib ang ekonomiya at may gamot para sa publiko.
Kaya para sa senador, dapat mas maghigpit sa susunod na 11 araw ng ECQ.