Patuloy na pinag-aaralan ng Department of Information and Communication Technology o DICT ang posibleng pagpapalawig ng deadline ng SIM registration.
Sa ngayon ayon sa dict, mananatili na bukas, April 26, ang huling araw ng pagpaparehistro ng SIM cards.
As of 11:59 ng gabi noong Linggo, nasa 82,845,397 na mga SIM pa lamang ang nairerehistro.
Ito ay 49.31% ng kabuuang 168 million subscribers sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 39.95 million na gumagamit ng Smart SIM ang rehistrado na; mahigit 37 million sa Globe at 5.77 million sa DITO Telecom.
Kahapon, nagpulong ang DICT at ang tatlong telco hinggil sa kasalukuyang status at mga problema sa implementasyon ng SIM Registration Act.
Napag-usapan din sa pulong ang posibleng pag-extend sa deadline ng SIM registration.
Ngayong araw, iaanunsyo ng dict ang desisyon kung palalawigin pa o hindi na ang SIM card registration.