Nanindigan si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa planong pagpapatupad ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) Saudi Arabia.
Ito ay matapos hindi pa rin nabibigyan ng sweldo ng mga employer doon ang 9,000 OFWs na naninirahan sa lugar.
Ayon kay Bello, naghihintay pa sila ng komento mula sa malakanyang para sa ipapatupad na ban.
Pero tiniyak ng kalihim na hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang memorandum para sa pagpapatupad ng deployment ban ng mgha OFWs sa Saudi Arabia.
Nakatakda namang makipapulong si Bello sa Labor Minister ng Saudi Arabia upang talakayin ang kalagayan ng mga OFWs na matagal nang hindi tumatanggap ng sahod.
Facebook Comments