Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa sila sa anumang pagbabago sakaling isailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander, Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kung mayroon mang panuntunan na ilalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF), ito ang kanilang ipapatupad.
Kabilang na aniya sa kanilang pinaghahandaan ang pagbabalik sa opersyon ng iba pang mga establisyimento at pagdadagdag ng mga tauhan na mag-iikot at tutulong sa pagbabantay sa mga establisyimento.
Iginiit naman ni Eleazar na mananatili ang mahigit 4,000 quarantine control points.
Gayunman, gagawin na aniya nila itong modified checkpoint dahil marami ng sasakyan ang papayagan ng lumabas.
Bukod dito, magdadagdag din ang PNP ng kanilang mga tauhan na mag-iikot at tutulong sa pagbabantay sa mga establisyimento.