Posibleng pagpapatupad ng warrantless arrest laban sa Kapa officials, ibinabala

Manila, Philippines – Nagbanta si Justice Secretary Menardo Guevarra laban sa mga opisyal ng Kapa Ministry na patuloy na nagso-solicit

Sa isang press briefing, sinabi ni Guevarra na kapag magpapatuloy pa sa pagkolekta ng mga pera ang Kapa sa kanilang mga miyembro, posibleng mahaharap ang mga ito sa warrantless arrest.

Ayon kay Guevarra, maitururing kasing continuing crime ang patuloy na pagkubra ng mga donasyon sa miyembro nila.


May precautionary hold departure order o PHDO na rin laban sa Kapa officials, upang matiyak na hindi sila makakalabas ng bansa at ma-monitor ang kanilang galaw.

Una nang nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang Securities and Exchange Commission laban sa Kapa officials.

Facebook Comments