Posibleng pagpasok sa Pilipinas ng COVID-19 variant mula sa India, “potentially devastating” ayon sa OCTA Research

Nagbabala ang OCTA Research Group sa posibleng ‘pinsalang’ maidudulot ng COVID-19 variant mula sa India kapag pumasok ito sa Pilipinas.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, “potentially devastating” kapag hinayaang kumalat ang “double mutant” variant o ang B.1.617 variant sa bansa lalo na sa National Capital Region (NCR).

Aniya, mauulit lamang muli ang surge ng mga kaso kagaya ng nangyari noong mga nakaraang buwan.


Bagama’t bumababa ang COVID-19 cases, hindi na dapat maaaring magkaroon pa ng surge sa Metro Manila lalo na at nananatiling mataas ang healthcare utilization rate.

Una nang sinabi ng OCTA na nasa ‘downward trend’ ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila pero nananatili pa rin itong unstable.

Facebook Comments