Manila, Philippines – Bumubuga pa rin ng lava ng bulkang Mayon sa kabila ng paunti nang paunting naitatalang pagsabog nito.
Sa interview ng DZXL kay PHIVOLCS Director, Renato Solidum marami pa ring naka-imbak na magma ang patuloy na ilalabas ng buklan.
Hindi rin isinasantabi ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon pa ng mga matitinding pagsabog kahit humihina ang aktibidad ng Mayon.
Mahigit 79,000 ang bilang ng mga evacuees sa labas ng 8-kilometer extended danger zone habang nanatiling nakataas sa alert level 4 ang Mayon.
Facebook Comments