Nakatakdang pag-usapan bukas ng gabi (January 26) ng mga alkalde sa Metro Manila kung maaari nang isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mga lungsod sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na pinuno rin ng Metro Manila Council (MMC), kailangan munang makita ang pagbaba ng kaso sa COVID-19 sa Metro Manila bago bahagyang paluwagin ang quarantine status.
Partikular ding tututukan ang pagpasok sa bansa ng UK variant at ang mga gagawing prevention sa tulong na rin ng medical experts.
Sa ngayon, posibleng irekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag munang ipatupad ang paglabas ng mga batang 10-taong gulang hanggang 65-taong gulang.
Paliwanag kasi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakausap na nila ang kanilang mga eksperto at nagkasundo na huwag munang luwagan ang age restriction para sa mga bata dahil sa bagong variant ng COVID-19.