Malabo pang magbukas ang mga amusement centers bago ang holiday season.
Ito ang nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng posibleng pagpapatupad na rin ng alert level system sa mga nalalabing lugar sa bansa bukod sa kalakhang Maynila.
Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte na sa ilalim ng alert level system ay nasa Level 1 at Level 2 pa naman ito pinapayagang buksan.
Samantala, sa ngayon ay pinag-uusapan pa lamang aniya kung posibleng taasan na ang kapasidad ng dine-in at al-fresco ng mga restaurant dito sa Metro Manila na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 4.
Facebook Comments