Posibleng pagtakbo mula ni VP Leni Robredo sa pagkabise-presidente, ikinokonsidera sa unity talks

Ikinokonsidera sa unity talks ang posibleng pagtakbo muli ni Vice President Leni Robredo sa pagkabise-presidente sa 2022 national election.

Ayon kay Senator Kiko Pangilinan na siyang pangulo ng Liberal Party, nagpag-uusapan din ito sa pakikipag-usap ni Robredo sa iba pang kandidato na taga-ibang partido.

Tiniyak naman ni Pangilinan na bukas dito ang pangalawang pangulo lalo na kung ito ang magiging dahilan ng pagkakaisa ng bansa.


Sa ngayon, tiniyak na senador ang suporta sa anumang magiging desisyon ni Robredo para sa darating na eleksyon.

Facebook Comments