Posibleng pagtakbo ni VP Robredo sa pagkapangulo sa 2022, welcome sa 1Sambayan

“Welcome development” para sa opposition na 1Sambayan ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na nananatili pa ring siyang bukas na tumakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.

Ayon kay 1Sambayan Convenor Atty. Howard Calleja, ang kanilang proseso sa pagpili ng mga nominado ay magiging transparent.

Ikinokonsidera nila si Robredo bilang standard-bearer ng oposisyon.


Masayang development ito. Always welcome naman ang pagsabi ni Vice President Leni na bukas ang option niya at gusto niya isa at unified ang opposition,” sabi ni Calleja.

Bukod kay Robredo, kabilang din sa kanilang pinagpipilian ay si Senator Grace Poe, at dating Senator Antonio Trillanes IV, at Manila Mayor Isko Moreno.

Bukas ding makipagdayalogo ang kowalisyon kina Senators Manny Pacquiao, Panfilo Lacson, at Senate President Vincente Sotto III.

“Open din naman kami. Sabi ko nga, as long as they fall within initial vetting…then we leave it to the people and to the entire country including whatever characteristics or data sets we need,” dagdag ni Calleja.

Sa ngayon, may hinihintay pa silang desisyon sa dalawa pang posibleng kandidato sa pangkapangulo at bise presidente.

Facebook Comments