Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na nakahanda sila sakaling tumama ang isang malakas na lindol sa mismong araw ng halalan.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ipa-prayoridad ang pagbabantay sa vote counting machines (VCM) at mga balota.
Aniya, pinag-uusapan na rin kung magkakaroon ng polisiya sa pagsuspinde ng halalan o pagdedeklara ng failure of elections sa oras na may malakas na lindol.
Ang suspensyon aniya ay nangangahulugan na ipagpapatuloy ang halalan sa kaparehong araw, habang ang failure of elections ay pagsasagawa muli ng buong proseso sa tamang panahon.
Facebook Comments