Hinimok ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga barangay na magtayo ng sarili nitong internet café na magagamit bilang digital classroom.
Ito ay para mabigyan ng pagkakataon lalo na ang mga estudyante na walang internet connection sa bahay na makibahagi sa online learning sa pagsisimula ng klase sa August 24, 2020.
Ayon kay DICT Undersecretary Eliseo Rio Jr., maaari ring gawing digital workplace ang mga café para sa mga empleyadong naka-work from home.
Aniya, libre nilang ipagkakaloob ang bandwidth.
Una rito, aabot sa 3,600 internet café sa bansa ang planong lagyan at kabitan ng mura at mabilis na internet ng DICT para i-repurpose bilang digital classroom o workplace sa harap na rin ng hindi pa natatapos na banta ng COVID-19.