Posibleng pamamayagpag ng jueteng dahil sa pagtigil ng gambling operations ng PCSO, itinatanggi ng PNP

Nilinaw ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde ang pahayag na posibleng mamayagpag ang jueteng sa bansa dahil sa pagpapatigil ng gambling operations ng PCSO.

Aniya, posible ito pero hanggang sa ngayon ay wala silang namomonitor na pagdami ng nag-ooperate ng illegal numbers game partikular ang jueteng.

Pinapamonitor niya na raw sa mga PNP regional directors ang jueteng operation sa kanilang area of responsibilty kung mayroon man.


Aniya, mayroong pinaiiral na one strike policy ang PNP kung saan masisibak ang station commanders kapag natukoy na may nagooperate ng jueteng.

Facebook Comments