Sinisilip na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang posibleng pananagutan ng recruitment agency ni Julleebee Ranara, ang Overseas Filipino Worker na pinatay at sinunog ng anak ng kanyang employer sa Kuwait.
Ayon kay DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, inaalam nila kung namo-monitor ba nang mabuti ng agency si Ranara mula nang naipadala ito sa Kuwait.
Sa ilalim ng panuntunan ng DMW, dapat na mayroong monitoring at regular reporting ang mga agency hinggil sa kalagayan ng mga OFW lalo na ang mga nagtatrabaho bilang kasambahay.
Pero bago ang insidente, nabatid na walang record na nagsumbong si Ranara o ang recruiter nito sa mga awtoridad hinggil sa pang-aabuso ng kanyang employer.
Sa ngayon, hinihintay ng DMW ang opisyal na ulat ng Office of the Prosecutor sa Kuwait.