Posibleng pananagutan ni dating Pangulong Duterte sa panukalang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, ipinauubaya na sa DOJ

Ipinauubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Department of Justice (DOJ) ang posibleng pananagutan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang ipanukala nito na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Ito ang sagot ni DILG Sec. Benjamin Abalos nang matanong sa press briefing sa Malacañang kung may kaakibat bang parusa ang pagpapalutang ng secession sa Mindanao.

Ayon kay Abalos, bahala na aniya ang DOJ na pag-aralan ang naturang isyu at saka sila gagawa ng posibleng aksyon.


Samantala, sa isyu naman ng People’s Initiative, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr., hangga’t walang pamimilit o panunuhol o kahit ano pa man na katumbas ng paglabag sa batas o layunin sa Konstitusyon ay hindi aniya maaaring manghimasok ang PNP.

Ayon kay Acorda, maging ang alegasyon ng panunuhol kapalit ng pirma para sa People’s Initiative ay hindi masasabing paglabag sa Saligang Batas hangga’t walang ebidensya.

Facebook Comments