Inilatag ng Department of Justice (DOJ) ang mga posibleng parusa sa mga pulis na sangkot sa 51 drug-related deaths.
Ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Sugay, pwedeng matanggal sa serbisyo ang mga ito, pwedeng demotion at pwede rin masuspinde.
Pagdating naman aniya sa criminal liability, pwedeng makasuhan sila ng murder o homicide kapag napatunayang may intensiyon na pagpatay sa mga drug suspect.
Paliwanag ni Sugay, sa ni-review nilang 51 kaso ay nadiskubreng may lapses na nagawa ng mga pulis na nagsagawa ng operasyon at nagresulta sa pagkakapatay sa ilang drug suspects.
“Puwede siyempre silang matanggal sa serbisyo, maaari silang puwedeng demotion, puwedeng suspension, depende iyan ‘no doon sa grabe, pagka-grabe ng nangyari kung may nakita ngang accountability o may nakitang possible liability. Pero pagdating naman doon sa criminal liability which is iyong subject ng ginagawa na review ng DOJ at posibleng iyon nga, i-refer namin ito sa National Bureau of Investigation puwedeng may makasuhan sila.” ani Sugay
Una nang sinabi ng DOJ na mayroong mahigit 150 police officers na dawit sa drug operation.