Manila, Philippines – Nagbabala si Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro laban sa mga naglalabas ng matatalim na salita na may layuning maimpluwensyahan ang korte sa magiging kahihinatnan ng kaso.
Ang pahayag ni de Castro ay bahagi ng kanyang talumpati sa oath taking ng mga bagong abugado kanina at sa harap na rin ng kontrobersiya na ibinabato sa Hudikatura bunsod ng quo warranto case ng napatalsik na si Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay de Castro, posibleng mapatawan ng contempt ang mga nanghihiya ng kalabang partido at ng mga hukom.
Aniya, mayroon namang paraan para maipanalo ang mga kaso ng may dignidad.
Sinabi ng mahistrado na trabaho nila na protektahan ang mga institusyon ng hukuman at panatilihin ang respeto sa mga proseso ng korte.
Sinabi pa ni de Castro na ang mga umaakyat sa pwesto sa mabilis na paraan ay ang kadalasahang madaling bumabagsak.