Posibleng pinaglibingan kay Omar Maute at isa pang foreign terrorist, pipiliting matunton ng militar

67

Manila, Philippines – Para matiyak kung talagang patay na ang isa sa Maute brothers na Si Omar Maute at isa pang dayuhang terorista sinabi ni Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo na sisikapin nilang matukoy ang posibleng pinaglibingan sa mga ito.

Ayon kay Arevalo, kailangang makita at masuri ang bangkay ng mga ito para matiyak na patay na nga si Omar Maute at ang isang Malaysian terrorist.

Sinabi pa ni Arevalo na patuloy nilang ipinagpapalagay na nasa Marawi City pa rin si Isnilon Hapilon hangga’t walang maliwanag na kumpirmasyong nakukuha na ito ay nakatakas.


Dagdag pa nito, halos araw-araw ay nakakarekober sila ng mga armas sa bahay ng mga posibleng pinagkutaan ng grupo.

Tiniyak naman ni Arevalo na selyado ang buong lungsod ng Marawi kaya mahihirapan ang mga teroristang makalabas o makapagdagdag pa ng pwersa.

Facebook Comments