Posibleng postponement ng Barangay at SK elections sa susunod na taon, malabo – Comelec

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Comelec para sa pagdaraos ng Barangay at SK elections sa susunod na taon.

Tiniyak ito ni Comelec Commissioner Lui Guia sa kabila ng mga panukalang pagpapaliban sa 2020 Barangay at SK polls.

Ayon kay Guia, patunay dito ang pagpapatuloy ng voters registration sa Agosto at Setyembre.


Sinabi pa ni Guia na plano ng Comelec na magdaos ng planning conference para sa Barangay at SK elections para mailatag ang mga schedule at iba pang preparasyon para sa halalan.

Una nang inihayag ni Senator-elect Christopher Lawrence “Bong” Go na isusulong niya ang postponement ng Barangay at SK polls.

Nais kasi ni Go na isabay na lamang ito sa General Elections sa 2022.

Facebook Comments