Nababahala ang ilang senador sa posibleng pagnipis ng suplay ng kuryente sa 2022 national at local elections.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Energy Committee, hindi niya hahayaan na mapapabayaan ng Department of Energy (DOE) ang trabaho nito.
Sa katunayan aniya ay nagbigay na siya ng direktiba kay Energy Secretary Alfonso Cusi na tiyaking magiging maayos ang eleksiyon.
Partikular namang ipinunto ni Senator Risa Hontiveros na bukod sa pangunahing tungkulin ni Cusi ay kailangang pagtuunan nito ang paparating na eleksyon at kasalukuyang politika.
Sinuportahan naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sina Hontiveros at Gatchalian sa panawagan nito sa DOE, at sinabing dapat na gawan ng paraan na walang power outage dahil lahat ng pagbilang ng boto ay electronic at computerized.
Magaganap ang eleksiyon sa ika-9 ng Mayo 2022.