Naglunsad ng buwanang paglilinis sa paligid ang Brgy. 867 sa Pandacan, Maynila bilang pag-iingat kontra dengue.
Ayon kay Barangay Chairman Joseph Valderama, bagama’t wala naman aniyang naitalang mga kaso ng dengue sa kanilang barangay, kanila na anilang inaagapan ang posibleng pagtaas ng kaso nito ngayong pumasok na ang tag-ulan.
Samantala, umapela naman si Chairman Valderama sa kanilang mga ka-barangay na makipagtulungan sa paglilinis sa barangay at iwasang magpadumi sa kapaligiran ang kanilang mga alagang aso.
Nagpasalamat naman si Chairman Valderama pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho team sa kanilang barangay.
Kabilang sa mga barangay na pinuntahan ngayong araw ng DZXL Radyo Trabaho team ang Brgy. 672, Brgy. 686 sa Paco, Maynila at Brgy. 835, Brgy. 867 sa Pandacan, Maynila.