Posibleng repatriation sa mga Pinoy sa Macau, pinag-aaralan na rin ng DOH

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na ilang Korean nationals sa Cebu ang pinili lamang na umuwi sa kanilang bansa.

Ito ay sa halip na sumailalim sa quarantine sa kanilang hotel.

Kinumpirma naman ng Kalihim na umaabot na sa 85 na mga Pilipino sa abroad ang nagpositibo sa COVID-19.


80 sa mga ito ay naitala sa Japan; dalawa sa UAE, dalawa sa Hong Kong at isa sa Singapore.

Ayon kay Duque, bumaba na naman ang PUIs o patients under investigation at patuloy din na nadadagdagan ang mga nagne-negatibo sa virus.

Kaugnay naman ng national shopping sale sa Marso, sinabi ni Duque na ipinapayo pa rin niya sa publiko ang pag-iwas sa pagpunta sa matataong lugar.

Hinihimok din ni Duque ang mga pamunuan ng shopping malls na maglagay ng alcohol sa kanilang establishment at gumamit ng infrared thermometer.

Sa ngayon, nanatiling naka-code blue ang Department of Health o DOH na ang ibig sabihin ay walang local transmission ng sakit.

Ilalagay lamang aniya sa code red ang alerto ng DOH kapag nakapagtala na ng local transmission ng virus.

Facebook Comments