Tinalakay ng Municipal Social Welfare and Development at Municipal Planning and Development Office noong Lunes, Nobyembre 24, ang posibleng paglilipat ng ilang pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa Barangay San Angel patungo sa mga pabahay na hawak ng DSWD.
Ayon sa MSWD, mga pamilyang apektado lamang ng kalamidad ang maaaring mabigyan ng pabahay o tulong.
Dapat muna umano itong idaan sa Municipal Disaster Coordinating Council bago isumite sa Human Settlement Program bilang bahagi ng masusing pagsusuri upang matiyak na tama ang mapipiling benepisyaryo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magsasanib-pwersa ang Sangguniang Bayan, MSWD, at MPDC upang makabuo ng aksyon at tukuyin ang pinakaangkop na hakbang para sa mga residente.
Facebook Comments









