Nagpaalala ang Bolinao Tourism and Information Office sa mga turista na nagbabalak bumisita sa mga hotel at pasyalan sa bayan na huwag mag-book ng hotel at accommodation sa mga agent at mga hindi rehistradong samahan na nagpapakilalang tourism group sa bayan.
Nag-ugat ang paalala sa hangarin na hindi masira ng scam ang karanasan ng mga turista sa bayan na posibleng makaapekto sa integridad ng mga accredited na establisyimento.
Payo ng tanggapan, direktang mag-book sa mismong establisyimento na napili upang makakuha ng exclusive deals at magkaroon ng malinaw na usapan sa mga alituntunin at kondisyon nang matugunan agad ang anumang isyu na maaaring umusbong.
Bilang isa sa pinaka binibisitang pook-pasyalan sa Pangasinan ang Bolinao, nararapat lamang na pangalagaan ang kredibilidad ng buong sektor ng turismo na sumusuporta sa kabuhayan ng mga lokal.
Maaaring makipag-ugnayan direkta sa tanggapan upang matiyak ang ligtas at lehitimong transaksyon sa numero 0912-113-8008. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









