Posibleng ‘significant surge’ ng COVID-19 cases sa NCR, ibinabala ng OCTA Research group

Nagbabala ang OCTA Research group sa posibleng ‘significant surge’ sa COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) sa mga susunod na linggo kasunod ng holiday season.

Ito ay matapos tumaas ng mahigit 400 ang dagdag-kaso sa NCR.

Ayon sa OCTA, malinaw na nagkaroon ng pagtaas na kaso sa NCR kaya dapat makontrol na ito ng gobyerno bago pa lumala ang lahat.


Tumaas din anila ang reproduction number sa bansa sa 1.17 na mas mataas kumpara sa 1.02 noong Disyembre 21, na indikasyon na kumakalat ang virus.

Maliban dito, nakita rin ng grupo na nanatili sa apat na porsyento ang positivity rate sa NCR sa mga nakalipas na linggo mula sa limang porsyento ideal rate ng World Health Organization (WHO).

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa pamahalaan na mas paigtingin ang COVID-19 testing, tracing, pag-isolate at palakasin ang kapasidad ng health care system para paghandaan ang posibilidad na magkaroon ng outbreaks.

Inirekomenda rin nila sa pamahalaan na bilisan ang pagbili ng ligtas at mabisang COVID-19 vaccines at kaagad ding simulan ang roll out ng vaccination program.

Facebook Comments