POSIBLENG SUMABOG? | Bulkang Mayon, posibleng magkaroon ng malakas na pagsabog

Manila, Philippines – Malaki ang posibilidad na magkaroon ng malakas na pagsabog ang nag-aalburutong bulkang Mayon.

Ayon kay Ed Laguerta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nasa bunganga na halos ng bulkan ang magma.

Aniya, posibleng maganap ang volcanic eruption sa loob ng ilang araw o linggo.


Sinabi naman ni Laguerta na nagkaroon na ng lava doom collapse sa mayon matapos bumigay ang naipong lava sa bunganga nito dahil sa matinding init.

Gayunman, wala aniyang naitalang pinsala dahil kaunti lang ang abong bumagsak sa mga komunidad sa paligid ng bulkan.

Facebook Comments