POSIBLENG SUMABOG | Japan, naghahanda sa patuloy na pag-aalburuto ng Mount Shinmoedake

Japan – Patuloy na nag-aalburuto ang Mount Shinmoedake sa Japan.

Mula sa pagbubuga ng abo ay naglalabas na rin ito ng mga malalaking bato.

Nagbabala na ang Japan Meteorological Agency (JMA) sa pagbagsak ng mga lumilipad na bato mula sa 4-kilometer radius sa paligid ng bulkan.


Aabot naman sa 4,500 meters ang taas na ibinuga nitong usok.

Huling sumabog ang bulkan noong 2011 ng paglikas ng libu-libong katao.

Bukod sa Pilipinas, ang Japan ay kabilang sa mga pacific ring of fire kung saan madalas ang mga paglindol at aktibo ng mga bulkan.

Facebook Comments