Posibleng surge ng mga kaso dahil sa Delta variant, pinaghahandaan na ng PRC

Pinaghahandaan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang posibleng surge ng mga kaso sa bansa kasunod ng mga naitatalang kaso ng Delta variat na mataas ang tiyansang makahawa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon na magbubukas sila ng isang bakuna center para sa mga Pilipinong nais nang mabakunahan kontra COVID-19.

Magdaragdag din ng mga kama at higaan ang PRC sa mga ospital maging ang pagbili ng mga oxygen tanks na makakatulong sa mga ospital sakaling tumaas ang kaso.


Sa ngayon, umabot na sa 3,637,000 ang testing ng PRC pero giit ni Gordon kailangan pa itong palaguin upang maabot ang herd immunity ng bansa.

Facebook Comments