Manila, Philippines – Makaraaang ma-lift ang suspension order kahapon, nais matiyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi ipapasa ng Transport Network Vehicle na Uber ang halos kalahating bilyon nitong lugi sa mga riding public.
Ayon kay LTFRB Board member Aileen Lizada, base kasi sa kanyang pakikipag-usap sa mga technology consultants, posibleng manipulahin ng Uber ang algorithm ng kanilang app na magreresulta sa price surge.
Para maiwasan ito, nakatakdang harapin ng LTFRB ang Uber sa isasagawang technical working group. Dito, pag-uusapan na rin ang iba pang isyu sa kanilang pagbabalik kalsada.
Sa kabila ng posiblidad ng price surge, sinabi naman ni Lizada na magiging patas ang Uber at hindi magsasamantala sa kanilang mga mananakay.
Kahapon, nagbayad na ng 190 milyong pisong multa ang Uber.
Ang pagbabayad ng multa ay pinangunahan ng mga legal counsel ng uber na sina atty Roberto Ramiro at Atty. Anne Macenon.
Matatandaang, sinuspinde ang pagbyahe ng Uber sa mga kalsada noong August 14 dahil sa franchise violations.