Iimbestighan na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang posibleng tax evasion ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa isang pahayag, pinaiimbestigahan na rin ni Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang mga kompanyang nabanggit sa isinasagawang Senate inquiry.
Ayon kay Lumagui, sa sandaling makita ng BIR na may tax evasion si Mayor Guo ay maghahain sila ng kasong kriminal at administratibo laban sa alkalde at sa ilang mga kompanya.
Ito ay sa sandaling hindi magtugma ang deklaradong kita sa mga hawak mga ari-arian sa ilalim ng taxable years.
Inatasan na ni Lumagui ang kaniyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa sa Senado na tingnan ang pangalan ng mga kompanyang nababanggit sa imbestigasyon sa operasyon ng POGO.
Tiniyak ng commissioner na dadaan sa due process ang lahat ng sisiyasatin ng BIR.
Patuloy na binabatantayan ng BIR ang imbestigasyon ng Senado kay Mayor Guo.
Hinikayat din ng BIR sa lahat ng may impormasyon na maaaring magbigay ng mga kinakailangang dokumento at ebidensya sa BIR para sa gagawing pag-audit kay Mayor Guo at sa mga nabanggit na kompanya.