Posibleng terror threat sa iba pang panig ng Mindanao, inaalam na nang Militar

Manila, Philippines – Kinukumpirma pa ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na may terror threat sa ilan pang lugar sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla sa ngayon inaalam pa nila ang naging batayan ng pangulo para sabihing may terror threat ang ilang lugar sa Mindanao.

Una nang lumutang ang balitang may tatlong lugar sa Mindanao ang target na guluhin ng mga terorista maliban sa Marawi City.


Maging ang Eastern Mindanao Command Spokesperson Major Ezra Balagtey ay abala na rin ngayon sa pagkumpirma ng balitang panggugulo ng mga terorista sa ilan pang panig ng Mindanao.

Facebook Comments