Posibleng white wash sa kaso ni Horacio Tomas Castillo III, ayaw patulan ng MPD

Manila, Philippines – Ipinagkibit balikat nalamang ni MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo ang pangamba ng publiko na magkakaroon ng white wash ang kaso ng pagpatay kay Horacio Tomas Castillo na nasawi sa hazing.

Taliwas ang naging hakbang ng pamunuan ng University of Santo Tomas partikular na ang faculty.

Nangangamba kasi ang mga kaibigan,pamilya at kaklase ni Castillo na posibleng magkaroon ng white wash ang kaso dahil maimpluwensiya di umano ang mga opisyal ng Aegis Juris Fraternity.


Ayaw naman patulan ni Margarejo ang posibilidad na magkakaroon ng white wash o pagtatanggol mula sa pamunuan ng UST pabor sa pinaka tinitingalang fraternity na Aegis Juris sa kanilang Unibersidad.

Paliwanag ni Margarejo pinanghahawakan ng MPD ang pahayag nang Unibersidad na sila ay makikipagtulungan at umaasa siya na matutupad ito.

Nabatid naman na ang pinuno nang UST Faculty of Civil Law na si Dean Atty. Nilo Divina, ay isa sa mga Founding members ng nasabing Fraternity kung saan isa ito sa mga pinaka nirerespetong samahan sa Unibersidad.

Facebook Comments