Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na pakikinggan ang posisyon ng bawat senador patungkol sa pagpapaliban ng halalan sa susunod na taon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ngayong umaga ay nakatakdang talakayin sa komite ang isang taong postponement ng BARMM Elections.
Ayon kay Escudero, mismong ang Malacañang ang may nais na maghain siya ng panukala na nagpapaliban sa eleksyon sa rehiyon.
Aniya, pabor man o tutol ang isang mambabatas ay pakikinggan at ikokonsidera ng komite ang kanilang posisyon at opinyon.
Pagdedesisyunan aniya sa pamamagitan ng botohan kung itutuloy o postponed muna ang BARMM elections.
Nakasaad naman aniya sa explanatory note ang mga dahilan sa paghahain ng panukala na maaaring gawing basehan ng mga senador sa kanilang magiging boto sa panukala.