Posisyon ng House Committee on Appropriations Chairman, idineklarang bakante

Inaprubahan ngayon sa plenary session ng Kamara na ideklarang bakante ang Chairmanship ng House Committee on Appropriations na hawak ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co.

Isinulong ito ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.

Sa ngayon ay wala pang ini-aanunsyo na kapalit o bagong mamumuno sa komite.


Wala ring dahilan na inihahayag ang liderato ng Kamara at si Rep. Co hinggil dito.

Facebook Comments