Posisyon ng Liberal Party na huwag suportahan ang ano mang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, ikinatuwa ng Malacañang

Manila, Philippines – Bukas sa Malacañang ang posisyon ng Liberal Party na huwag suportahan ang ano mang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na counterproductive sa mga panahon ito ang anomang impeachment laban sa Pangulo dahil ang bansa ang tinuturing na pinakamabilis ang pag-unlad sa Southeast Asia.

Marapat lamang aniya na mapanatili ang economic momentum ng Pilipinas at iwasan muna ang mapanirang pamumulitika.


Kasabay nito binigyang-diin ni Abella na si Pangulong Duterte ay ibinoto ng mahigit labing anim na milyong mga Pilipino at ano mang pagtatangka na alisin ito sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment ay malaking insulto sa mga Pilipino.
DZXL558

Facebook Comments