Posisyon ng pangulo sa e-sabong, mas lalong nagpatibay sa masamang epekto nito

Pinagtibay ng husto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posisyon ng ilang mga mambabatas na masama para sa mamamayan at sa bansa ang e-sabong.

Giit ni dating Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, kung tutuusin ay mas malaki ang nawawala sa mga mamamayan dahil sa e-sabong kumpara sa nakukuha mula sa online gambling operations na ito.

Ilan sa mga ito ang pagkalubog sa utang, krimen, pagkawasak ng pamilya at maraming iba pa.


Inihalimbawa ang mga e-sabong related crime tulad ng pagkawala ng mahigit sa 30 sabungero, pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagnanakaw at pagbebenta ng ina sa kanyang anak dahil sa lubog na sa utang.

Isa si Cayetano sa mga mambabatas na mariing tumutol at nanawagan sa pagpapatigil ng e-sabong dahil ito ay taliwas sa magandang kaugalian ng mga Pilipino lalo na ang pagpapahalaga sa pamilya.

Facebook Comments