Posisyon ng Pilipinas laban sa pag-angkin ng China sa WPS, dapat panatilihin – VP Robredo

Umaasa si Vice President Leni Robredo na pananatilihin ng Duterte administration ang matibay nitong katayuan kontra sa militarization at reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Robredo – nakasalalay dito ang resources ng bansa lalo na ang hanapbuhay ng ating mga kababayan, seguridad at soberenya ng bansa.

Binigyan diin pa ng bise presidente na may pinaghahawakan ang Pilipinas, ito ang pagkapanalo sa United Nations Permanent Court of Arbitration kung saan ibinabasura ang claims ng China sa Spratlys.


Facebook Comments