Posisyon ng Pilipinas sa diplomasya at rules-based international order, isusulong ni PBBM sa Shangri-La dialogue sa Singapore

 

Isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posisyon ng Pilipinas sa diplomasya at depensa, sa dadaluhang Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang naturang dialogue dahil dadaluhan ito ng iba’t ibang foreign at defense ministers at tatalakayin ang mga isyu sa seguridad at depensa.

Igigiit din ng pangulo ang commitment ng Pilipinas sa rules-based international order sa gitna ng geopolitical challenges sa rehiyon.


Ngayong araw ang ikalawang araw ng state visit ng Pangulo sa Brunei at pagkatapos nito ay babiyahe naman ang Pangulo sa Singapore para sa kaniyang working visit.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaasahang babanggitin ng pangulo sa Shangri-la dialogue ang sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments