Isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posisyon ng Pilipinas sa usapin sa South China Sea (SCS), sa sidelines nito sa ika-40 at 41 ASEAN Summit sa sidelines nito na ginaganap sa Phenom Penh, Cambodia.
Ayon sa pangulo, kailangan makahap ng area of consensus ang mga bansang kasapi ng ASEAN maging ang China, upang maisakatuparan na ang konklusyon ng Code of Conduct (COC) sa SCS.
Aniya, tila natutulog na kasi o hindi na umuusad ang mga dayalogo para sa COC.
Sinabi ng pangulo, kailangan aniya na malampasan ng ASEAN countries ang kanilang magkakaibang posisyon sa usaping ito, at dapat na makahanap ng iisang posisyon ang smapung bansang kasapi ng ASEAN, para sa pagsasakatuparan ng matagal nang minimithing COC.
Maliban dito, mayroon naman nang mga naunang deklarasyon o draft ng COC na maaaring pagbatayan ng ASEAN, para sa pagsusulong ng COC.
Ang COC, sa oras na maisapinal at maipatupad ay titiyak sa ligtas at malayang paglalayag sa South China Sea, sa gitna ng mga territorial claim ng iba’t ibang bansa na nakapalibot dito.