Posisyon ng Speaker at Committee Chairmen, posibleng ideklarang bakante

Aabangan sa sesyon sa Plenaryo ang kumakalat na balita na magpapatawag ng eleksyon sa Speakership ang mga kaalyado ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon sa source na tumangging magpapangalan, may tatayo sa sesyon para magpatawag ng eleksyon para sa Speaker ng Kamara.

Bukod sa Speaker, ay idedeklara rin na bakante ang lahat ng posisyon ng mga Committee Chairman.


Sinabi ng source na babaliwalain ni Cayetano ang term-sharing na unang napagkasunduan matapos ang deal na ginawa noon ni Pangulong Duterte.

Sa ganitong paraan, aniya, ay magkakaroon ng fresh mandate si Cayetano dahil papalitan nito ng mga kaalyado ang mga Chairman ng bawat komite.

Dagdag pa ng source, sa susunod na linggo dapat isasagawa ang biglang eleksyon pero hindi na daw makahintay si Cayetano para maipakita sa lahat na pabor sa liderato niya ang mga kongresista.

Facebook Comments