Posisyon ni Pangulong Duterte sa territorial dispute, hindi dapat agad husgahan

74

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian na huwag husgahan agad anuman ang posisyon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa patungkol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ni Gatchalian, makaraang sabihin ni Pangulong Duterte na makabubuting huwag na lang kantiin ang isyu ng pag-aangkin ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.

Punto ni Gatchalian, bilang pangulo ay tiyak na binabalanse ni Pangulong Duterte ang kanyang mga aksyon para sa intres ng bansa at nakaambang external conflicts.

Naniniwala si Gatchalian na nakatutok ngayon ang pangulo sa paghikayat ng mas maraming mamumuhunan sa bansa ng hindi na muna pinapakialaman ang sitwasyon sa West Philippine Sea na kanyang dinatnan.

Diin ni Gatchalian, masyado pang maaga para agad mahulaan kung epektibo ba o hindi ang estratehiya ng pangulo para mapaunlad ang investments sa bansa na syang tugon sa ating probema sa kahirapan.

Facebook Comments