Posisyon ni PBBM sa pag-ban ng online gambling, hindi dapat madaliin ayon sa Palasyo

Hindi dapat madaliin ang magiging tugon o posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabawal sa online gambling sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, importanteng matukoy muna kung ang problema ba at ang pagkalulong ng ilang indibidwal ay mula sa licensed online gambling app o sa mga hindi lisensyado.

Giit ni Castro, hindi pwedeng magpadalos-dalos ang pangulo sa pagdidesisyon dahil posibleng maapektuhan ang mga lisensyadong online gambling, lalo’t ang mga revenue nito ay nakakatulong naman sa publiko.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang mambabatas matapos hindi mabanggit ang online gambling sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos nitong Lunes, July 28.

Facebook Comments