Posisyon sa DILG ni Martin Diño, kinumpirma ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na inalok niya ng posisyon sa Department of Interior and Local Government si dating SBMA Chairman Martin Diño.
Sa isang panayam ay sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay dahil nagkaroon ng banggaan sa SBMA sa pagitan ng Chairman at Administrator kaya minabuti aniya niyang pagisahin nalang ang dalawang posisyon at ilipat si Diño sa DILG.
Nilinaw din ni Pangulong Duterte na hindi ito kasalanan ni Diño o ni SBMA Chairman and Administrator Willma Eisma dahil ginawa niya ang nasabing hakbang para matuldukan na ang issue at hindi na ito lumala pa.
Minabuti rin aniya niyang ilagay si Diño sa barangay affairs ng DILG dahil forte naman ito ni Diño dahil matagal itong naging barangay Chairman.
Sinabi pa ng Pangulo na wala namang issue ditto at mas maganda na wag na itong palakihin pa.
Pero hanggang sa ngayon naman ay wala pang inilalabas na pormal na papel ang Malacañang kaugnay sa appointment ni Diño sa DILG.

Facebook Comments