Manila, Philippines – Positibo ang Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na mabilis na maipapasa ang 14th month pay bonus bill.
Nabatid na ang may-akda ng panukala ay si bagong Senate President Tito Sotto.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay , may puso si Sotto sa mga rank and file workers at sa kanilang pamilya.
Batid aniya ni Sotto ang kulang na kakayahan ng mga manggagawa na makatawid sa tumaas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Sa ilalim ng panukala, aatasan ang mga private employer na magbigay ng sahod na katumbas ng isang buwan na sakop ang rank and file workers o nakapagtrabaho sa mga pribadong kumpanya ng halos isang buwan.
Umaasa rin ang ALU-TUCP, na makakapasa rin sa ilalim ng pamumuno ni Sotto ang security of tenure bill laban sa kontraktwalisasyon.