POSITIBO | Bagong labas na survey, patunay na suportado ng mga Pinoy ang war on drugs – Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayorya pa rin ng mga Pilipino ang suportado ang kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patunay ito na patuloy pa ring sinusuportahan ng publiko ang giyera kontra droga sa kabila ng paninira at batikos ng ilang kritiko.

Aniya, ang high approval rating ay nagpapakitang kampante ang mga Pilipino na ligtas na maglakad sa mga lansangan.


Ang hinahangad ng mga Pilipino na magkaroon ng crime-free society ay makakamtam sa paglaban sa kriminalidad at pagpigil sa paglaganap ng droga.

Facebook Comments