Manila, Philippines – Positibo ang Department of Budget and Management (DBM) na maipatutupad sa susunod na taon ang ikalawang bugso ng fuel excise tax.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno – inaasahang bababa na sa mga susunod na buwan ang presyo ng langis sa global market.
Dahil dito aniya, maaring hindi na suspendehin sa buong 2019 ang naka-schedule na dagdag buwis.
Sinabi pa ng kalihim – ma-i-implementa ang excise tax suspension kapag nag-isyu na ng Executive Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte, subalit kailangan din ng isa pang EO para sa pag-aalis ng suspensyon.
Matatandaang inirekomenda ng economic team sa pangulo ang suspensyon ng susunod na fuel tax increas sa enero ng susunod na taon para maibsan ang epekto ng inflation.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, una nang itinaas sa ₱2.50 kada litro ang buwis sa langis, susundan ito ng dalawang piso sa 2019 at ₱1.50 sa 2020.