POSITIBO | DOT umaasang hindi makakaapekto sa turismo ang pagkaantala ng mga byahe sa NAIA

Manila, Philippines – Positibo ang Department of Tourism (DOT) na ang nangyaring isolated incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) partikular ang pagsadsad ng Xiamen airlines sa 06/24 international runway na nagdulot ng kaliwat kanang perwisyo sa mga pasahero ay hindi magiging hadlang sa pagbisita ng mga turista sa Pilipinas.

Ayon sa DOT ang nangyari insidente ay magsilbi sana bilang hamon sa lahat ng tourism stakeholders para magdoble kayod upang lumago pa ang turismo sa bansa.

Kasunod nito makikipagpulong ang ahensya sa airlines and airport authorities upang mabatid kung gaano kalawak ang naging pinsala ng runway excursion.


Tatalakayin din ang posibleng kompensasyon sa mga naapektuhan ng delayed/cancelled flights at delayed/lost baggage.

Una nang humingi ng paumanhin ang ahensya sa lahat ng local at foreign tourists at umaasang hindi na muling mauulit pa ang naturang insidente.

Facebook Comments